Copyright ©2026 LOVE RADIO
Tanya Chinita, aminadong marami raw siyang pinatangkad
Tanya Chinita, aminadong marami raw siyang pinatangkad
September 2, 2026

Binulabog ni Toni Fowler at ng buong ToRo Family ang news feed ng mga Kabisyo natin dahil sa sunod-sunod nilang posts! Nakakalurkei talaga ang kaganapan dahil para bang aalis na nang tuluyan si Mommy Oni sa mundong itez. Nangyari ito matapos ang mainit-init na chika nila tungkol sa pangangabit—bilang sensitive topic para sa mga Kabisyo nating sawi, marami ang nag-react dito. Napagawa tuloy ng mala-tribute posts ang ToRo Family!

What if ang Love Radio Manila DJs naman ang gawan natin ng ganiyan? Ano kaya ang nakalagay sa tribute niyo para sa kanila? May hula na sila, eh!

advertisement

Titan Gelo: Isa sa mga dapat isulat nila ay "Salamat, DJ. Ikaw ang dahilan lung bakit ko natikman ang masarap na embutido."

Conyo Bicolano: "Ughh! Thank you, next. Ughhhh!" Kaya may ungol pa rin para with feelings.

Mara Tonee: "Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging fit and yummy. Mabuhay ang lahat ng mamamatay nang masarap!" HAHAHAHA!

Tanya Chinita: Feel ko, ito sasabihin nila: "Thank you, Tanya Chinita. Dahil sa'yo, tumangkad kami." Hahaha!

Angkol Dagol: "Thank you. Ikaw ang dahilan kung bakit naka-move on ako." Aray mooo!

Ayun. Aware din pala si Tanya Chinita na siya ang dahilan kung bakit maraming Kabisyo ang matangkad... Nakaka-inspire din kasi ang tangkad ni Titamax, lalo na 'pag naka-heels siya. Charot with harot! Issue man 'yan o simpleng pasasalamat lang, lagi nating tandaan na ang posts natin online ay habambuhay nang magmamarka. Mag-ingat lagi sa mga shine-share, mga Kabisyo! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...