Copyright ©2026 LOVE RADIO
Susan Africa, nagbigay ng ₱5,000 reward sa estudyanteng nakahanap ng kanyang “ubo” scene
Susan Africa, nagbigay ng ₱5,000 reward sa estudyanteng nakahanap ng kanyang “ubo” scene
July 25, 2026

Mandela effect lang ang pag-ubo? It’s a no-no-no!

Hinamon ng veteran actress na si Susan Africa ang netizens na patunayang nagkaroon siya ng “ubo scenes” sa mga teleserye at pelikula niya! Sabi kasi ng “Star for All Ubo,” baka Mandela effect lang ang pag-ubo niya onscreen dahil ang madalas niyang roles ay may mga sakit!

Ang Mandela effect ay ang maling detalye na naaalala at pinaniniwalaan ng maraming tao sa isang bagay. Isa ka rin ba sa biktima nito, Kabisyo? Halimbawa, alam mo bang wala palang kulay itim sa buntot ni Pikachu! Oh, ’di ba? Na-Mandela effect ka rin! Hahaha!

Kaya naman, may challenge si Susan Africa sa lahat na kung sino ang unang makapagbibigay sa kanya ng video clip habang siya ay umuubo ay bibigyan niya ng ₱5000 pesos! Pasabog!

advertisement

G na g naman ang netizens sa paghalungkat sa baul para mahanap ang mahiwagang “ubo scene!” After two days, ni-reveal na ng aktres na may nanalo na! Ito ay si Sheena Rose Traifalgar, isang 3rd year college student mula sa Iloilo. Ipinakita ni Sheena ang eksena sa episode 714 ng teleseryeng Mara Clara noong 1992, kung saan ay nakitang umuubo si Susan sa gilid ng kalsada habang kasama ang anak niyang nanlilimos.

Hiningi ng aktres ang mobile wallet account ng winner para iabot ang premyo at pinaalahanan na gamitin ito nang mabuti sa pag-aaral niya. Deserve!

Congratulations sa five kyaw, Kabisyong Sheena! Saka always be healthy po, Ms. Susan Africa!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...