Copyright ©2026 LOVE RADIO
Summa cum laude, may mensahe sa kanyang academic rival sa graduation speech
Summa cum laude, may mensahe sa kanyang academic rival sa graduation speech
September 19, 2026


Akala niyo ba sa K-Drama o Wattpad lang nangyayari 'yung mga "enemies-to-lovers" trope? Mukhang nagkakamali kayo, dahil pinatunayan ni Evan Christopher Mangarin at Kimuel Ramboyong sa ating lahat na may mga pinagpala talaga sa utak at sa pag-ibig. Sana all, 'di ba, mga favorite na anak ni Lord?

Mula sa viral TikTok video ni Evan, naging emosyonal ang graduation ceremony ng CARD-MRI Development Institute Inc. - Bay Main Campus sa kanyang graduation speech dahil parang bigla itong naging wedding vows! Sa kanyang speech, emosyonal na nagpasalamat si Evan sa kanyang "academic rival." Ayon sa kanya, sa kabila ng napakaraming pagsubok, puyatan, at academic breakdown, nanatili silang matatag. Sa huli, silang dalawa ay ang mga unang Summa Cum Laude ng school nila.

@tubaban_n
advertisement

I can finally tell the world how much I love you my “academic rival” 🫶

♬ Pinipili - MATÉO

Pero ang totoong nagpapaiyak at nagpapakilig sa lahat? Ang ibinahagi ni Evan na sa wakas, tanggap na sila ng kani-kanilang mga pamilya. Pangarap lang noon, pero ngayon ay buong-buo na ang suporta ng kanilang mga magulang habang umaakyat sila sa entablado. Kaya natupad rin ni Evan ang pangako nila sa isa't isa na kung sino man ang mag-speech sa kanilang graduation ay kailangang mabanggit nila ang bawat isa.

Dagdag pa ni Evan, napakatalino, napakabait, at napakalambing ng kanyang partner. Aniya, excited na siyang malibot ang buong mundo kasama si Kimuel.

Sa mundo kung saan napakadaling ma-pressure sa pag-aaral at buhay, ipinaalala nina Evan at Kimuel na ang tamang tao ay hindi ka hihilahin pababa. Ang totoong pag-ibig, gagawin kang mas mahusay na bersyon ng sarili mo—to the point na magkasama kayong aakyat sa entablado na parehong may pinakamataas na karangalan! Sana all, diba! Kaya sa ating mga Kabisyo na single at struggling students diyan: Huwag mag-alala kung mataas ang standards ng academic rival mo. Malay mo, bukas makalawa, sa inyo rin ang kilig at huling halakhak.

Congrachumaleyshons, Evan and Kimuel! Pinatunayan niyo talagang #LoveWins!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...