advertisement
Sundan ang kuwento ni Jing dito sa Raqi's SPG Secret Files with Titan Gelo.
Sumakay ako ng airplane, pero bakit ganoon - Raqi's SPG Secret Files with Titan Gelo
Hi, DJ Raqi at DJ Gelo! Itago niyo ako sa pangalang "Jing" at ito ang aking SPG Secret File. Naisipan ko lang na ikuwento sa inyo ang naranasan ko kailan lang. Ganito kasi iyon, may boyfriend akong AFAM na itago natin sa pangalang "Stephen." Nagkakilala kami online, at siyempre, alam naman nating lahat na sa dating app iyon. Noong una, medyo hindi ko siya nagustuhan, pero 'di kalaunan, nakita ko namang mabait, guwapo, mestizo, matangkad, at mukhang medyo malaman kaya nahulog na rin ang aking loob.
Kaya noong pinansin niya ako, inalagaan ko agad ang aming conversation. Nilagyan ko ng tamis, lambing, at pagmamahal kada mag-uusap kaming dalawa. Nilambing ko siya araw-araw. Ipinakita ko sa kanya na iba mag-alaga ang isang Pinay. Matapos ang ilang buwan, sinagot ko na siya. Lagi ko ngang naiisip, tatanggihan ko pa ba ito? Eh, AFAM na nga ito, 'di ba? Sa madaling salita, naging kami ni Stephen. Lalo pang lumalim ang relasyon namin. Noong sinabi niyang he wants to see me in person," nakakagigil dahil alam ko na habang nag-uusap pa lang kami sa chat, talaga namang gustong-gusto niya rin ako.
