Copyright ©2026 LOVE RADIO
‘Simula at Wakas’ ng SB19, nag-sold-out sa loob ng ilang oras lang
‘Simula at Wakas’ ng SB19, nag-sold-out sa loob ng ilang oras lang
March 17, 2025

Tatawagin bang P-Pop Kings ang SB19 kung 'di sila inaabangan ng fans? Muli na naman kasi nilang pinatunayan ang kanilang lakas nang wala pang isang araw ay ubos na ang tickets para sa kick-off concert ng kanilang 'Simula at Wakas' World Tour sa Philippine Arena.

advertisement


Sa kanilang Facebook post, nagpasalamat ang lima sa pagmamahal at suporta ng fans at nagpahayag ng excitement sa darating na May 31. Nagsimula lang ang ticket selling nitong March 15, na may higit sa 100,000 fans queuing sa SM Tickets online. Isang sayaw mula sa kanilang unang single na 'DAM' ang niregalo ng SB19 sa A'Tin.


Kaniya-kaniyang post naman sina Stell, Pablo, Josh, at Justin sa kanilang X account para magpasalamat sa kanilang fans.


Pagtapos ng kickoff na ito, iikutin na ng lima ang Taipei, California, Canada, Hawaii, Singapore, Dubai, Doha, Riyadh, Jeddah, Sydney, Melbourne, Tokyo, at Hongkong.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...