Copyright ©2026 LOVE RADIO
Silent Sanctuary, may Day 2 na sa 'Gabi Ng Lambing' concert matapos ma-sold out agad ang unang araw
Silent Sanctuary, may Day 2 na sa 'Gabi Ng Lambing' concert matapos ma-sold out agad ang unang araw
July 14, 2026

Hindi talaga sapat ang isang araw para masaktan at maging hopia sa pag-ibig, 'no? Kaya ito, may pangalawang araw para sa inyo ang Silent Sanctuary, mga Kabisyo!

Sa isang media gathering na ginanap noong July 6, inanunsyo ng banda na masusundan na nga ang kanila sanang isang araw lang na 24th anniversary concert. Dahil over daw kayo sa bilis kung ubusin ang tickets ng day 1, ayan at pagbibigyan na nila tayo.

Asahan na ang mga kantang nagpakilig at nagpaiyak sa'tin, tulad ng 'Rebound,' 'Kundiman,' at 'Bumalik Ka Na Sa'kin,' mga Kabisyo!

Ang Day 2 ay magaganap sa October 24 sa SM Mall of Asia. Abangan niyo ang tickets sa July 18, oki?!

Umaray at mapa-"aaahhhh" kasama ang Silent Sanctuary!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...