Anong mangyayari ’pag pinagsama niyo ang ang isang DJ at reporter? Eh, ’di, mahabang usapan na kahit sila, hindi alam ang pupuntahan. HAHAHA! Sa sobrang laid-back ng kwentuhan, feel-at-home talaga sila Tanya Chinita at Sherwin Alfaro. Bumulagta pa talaga ’yung isa riyan. Ang ganda tuloy ng view. HUUUY!
’Pag sinabing reporter, kadalasan ang naiisip natin: seryosong mukha, malalim na boses, at pormal na pormahan. Pero kabaliktaran halos lahat niyan ang DZRH reporter na si Kuya She!
Maliban sa pagiging magaling na mamamahayag, alam niyo bang siya ang automatic host ng mga event ng MBC Media Group? Mapa-Halloween man ’yan, Christmas Party, o kahit third party, nariyan siya! May mga pagkakataon pa ngang naisisingit siya kahit wala naman siya sa program. ’Yung tipong kararating pa lang at hindi pa nakakasubo, i-we-welcome na siya sa stage at minsan, naka-short pa siya. HAHAHA!
Sa halos tatlong dekada niya sa serbisyo, naging “stay-in” na rin siya sa istasyon. Kung ang mga boss ng MBC Media Group, may sariling opisina. Siya naman, may sariling kwarto. Na para bang bahay-bakasyunan na lang talaga ang totoong bahay niya? Hahaha!
Dahil 27 years na siyang naglilingkod, 27 years old din ang nagpadala ng TitamaX Confession sa kanila ni TitamaX. Nireklamo ni Sarah ang nanay niyang iniwan daw siya para makipag-live in sa Zumba instructor at ang hinala niya, pineperahan daw nito ang nanay niya. Wala naman daw nakikitang masama rito si Sherwin Alfaro dahil may karapatan din daw ulit sumaya ang nanay niya. Baka nga naman kasi bitter lang din si Sarah dahil mas makulay ang lovelife ng nanay niya? ’Chos!
Kung ’yung breaking news nga, hindi inuurungan ni Kuya She, ang Tough 5 questions pa kaya ni Tanya Chinita? Napag-alaman naming hindi lang pala Side A at Side B ang naranasan niya kundi Side C at Side D pa dahil sa trabaho niya. Yikes!
Mapapa-tumbling ka na lang talaga sa mga rebelasyon niya na p’wede mong mapanood dito:

Sherwin Alfaro, napahiga nang upuan ni Tanya Chinita?! | TitamaX Episode 24
