advertisement
Matapos ang mainit na pagtanggap ng ating mga kababayan sa USA, inanunsyo ng leader na si Rochelle Pangilinan na magkakaroon na ng ‘USA Tour: rAWnd 2’ ang grupo ngayong September 26 hanggang October 4.
Chika niya sa kaniyang post, “Grabe… sobrang overwhelmed kami sa pagmamahal ng mga kababayan natin sa USA.”
Matatandaang noong 2025, muling gumiling nang sama-sama ang SexBomb girls para sa kanilang ‘Get, Get, Aw!: The SexBomb Concert.’
Nitong August 7, ipinarinig na nila sa fans ang kanilang bagong single na ‘MAMA MAMA.’
Sa August 9 naman, matatapos na ang kanilang ‘Get! Get! arAWd’ world tour sa Dubai kaya siguradong pakak na ang magiging preparation nila para sa USA tour.
Pasabog talaga lagi ang SexBomb, kaya sa mga gustong makiindak sa kanila riyan sa USA, magbanat-banat na kayo ng buto dahil matinding sayawan na naman ’yan panigurado!
SexBomb Girls, tuloy ang paggiling sa kanilang ‘USA Tour: rAWnd 2’
Hindi kukunat ang buto ng mga taong pinalaki ng SexBomb Girls! Kayang patunayan 'yan ng mga nasa USA ngayon, Kabisyo!

