Tinanong ni Sexy Megan si Andy kung ano ang maipapayo sa mga bagong pasok sa MNL48 para makayanan ang buhay “idol.” Ayon kay Andy, safety talaga ang pinakaimportante. Lagi raw niyang sinasabi na ’wag mag-post ng real-time location sa social media. “May times na masaya lang sila, nag-po-post kung nasaan sila, tapos biglang may pupunta,” kwento niya. Hindi naman daw lahat ng fans ay gano’n, pero mas okay na ang maingat para sa privacy at safety ng lahat.
Bukod sa safety tip, pinaaalalahanan din ni Andy ang bagong members na maging respectful lagi, kahit sino pa ang makasalamuha. Para sa kanya, bahagi ito ng image ng MNL48 at simpleng good manners na rin. Pangatlo niyang advice ay mag-practice palagi. Aminado si Andy na kahit ang mga “senpai” ay nagkakamali rin, kaya mahalaga ang pakikinig sa feedback. Tinanong din si Andy kung may mga natututunan naman siya mula sa fifth generation. Ayon sa kanya, dito niya mas nakilala ang iba’t ibang personalities ng bagong members—may hyper, may tahimik, at may biglang “low energy” moments. Pero kahit gano’n, madali raw silang maka-vibe at mababait ang lahat.
advertisement
Ramdam na ramdam talaga ang pagiging maalaga ni Andy bilang “ate” ng grupo—concerned hindi lang sa performance ng MNL48, kundi pati sa safety at samahan nila. Panoorin ang full interview nila sa YouTube channel ng Hangover!
