advertisement
Sa post, makikita si Josh na naka-silhouette habang may glitching code sa background, kaya naman agad napaisip ang fans kung ano ang inihahanda niya. Hinala ng A'TINs, para raw ito sa bago niyang solo release!
Si Josh ang huling SB19 member na nag-tease ng solo release ngayong 2026. Nauna nang naglabas ng solo projects sina Felip, Justin, Pablo, at Stell. Ready na ba kayo sa nakakalurkei na grand finale, A'TINs?
SB19 Josh Cullen, may teaser na tungkol sa inaabangang solo music release
Mukhang si Josh Cullen na ang susunod na may pasabog para sa A’TIN! Nagbigay ng teaser ang SB19 member nitong September 7 na may caption na “Heard you’ve been waiting for me.” Sinundan pa nga ito ng isa pang post na "ONE OF ONE" naman ang caption.
