advertisement
Sundan ang kuwento ni Tingtong dito sa Raqi's SPG Secret Files with Titan Gelo.
Sa gitna ng init, may kamay na pumuslit - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Hi, DJ Raqi and DJ Gelo! Itago niyo na lang ako sa pangalang "Tingtong" at ito ang aking SPG Secret Files. Ikukuwento ko lang po sana sa inyo ang naranasan ko minsan. That time kasi, eh, classmate ko ang girlfriend ko na itago natin sa pangalang "Leona." Pareho kaming kumukuha ng kursong Political Sciene. Mag-jowa na kami nang mahigit one year at kamakailan lang, nag-academic break sa school namin kaya naman umuwi si Leona sa probinsya nila para magbakasyon.
Ako ang naiwan lang dito sa Maynila. Gusto ko talaga sanang puntahan si Leona sa lugar nila kasi sa totoo lang, na-mi-miss ko siya nang sobra-sobra kaso wala naman akong ipon na pera at pamasahe para mapuntahan ko ang aking minamahal. Kailangan ko rin po kasi tipirin 'yung pambayad ko ng tuition sa school kaya no choice. Okay lang dahil nakikita pa rin naman kami kapag nag-vi-video call kami sa Messenger.
