advertisement
Naglatag kasi ng samu’t saring pagkain at inumin ang iba’t ibang people’s organizations sa dadaanang ruta ng mga runners, tulad ng itlog, prutas, at siyempre, ang lechon! Pinagkaguluhan naman ito ng mga runners na nakikurot at nakisalo sa mga pagkaing inihain sa bawat food stations. Ang simpleng pakulong ito ay nagbigay ng saya at dagdag motibasyon sa kanila upang tapusin ang karera.
Pinayagan rin sila mag-sharon ng pagkain, at kitang-kita ang ilang runners na may bitbit na ulo ng lechon at kahon na may lamang prutas, na para bang panalo na agad kahit hindi pa nakatawid sa finish line!
Ayon sa organizers, bahagi ang ganitong pakulo ng kinagisnang “culture of volunteerism” o “Tinabangay” sa wikang Bisaya, na nagpapakita ng bayanihan at malasakit ng komunidad.
Runners, nag-lechon break sa kalagitnaan ng isang marathon?
Magpapadala ka ba sa tukso kung bigla kang may nakitang crispy, juicy, at mainit-init pang lechon… habang ikaw ay nasa isang marathon?!
Ito ang naging challenge at tila ba’y reward sa mga runners ng 1st Bucas Grande International Half Marathon sa Bucas Grande Island, Surigao del Norte noong linggo.
