Copyright ©2026 LOVE RADIO
Roger Naldo ng The KoolPals, matagal na palang crush ni Tanya Chinita?! |TITAMAX EPISODE 21
Roger Naldo ng The KoolPals, matagal na palang crush ni Tanya Chinita?! |TITAMAX EPISODE 21
February 1, 2026

Sa mga lalaking nakapila kay Tanya Chinita, pwede na kayong umuwi. May nanalo na! ’Yan ay walang iba kundi si Roger Naldo ng The KoolPals!

Bilib din kami sa galawan nitong si Roger, eh! Inumpisahan ba naman ang kwentuhan sa pag-share ng naranasang bullying at pambabasted sa kanya noong kabataan niya. ’Yung tipong sila-sila na nga lang ang ngongo sa barangay, sila-sila pa ang nag-aaasaran na para bang hindi it’s a quadruple tie? Hahaha! Isama mo pa ’yung inabot daw siya ng ilang minuto sa pagtatapat ng tunay niyang nararamdaman sa crush niya, pero hindi naman pala siya naintindihan. Kung sino ka man, ito nga pala ’yung sinayang mo. Si TitamaX lang naman ang nagkaka-crush sa kanya ngayon!

Maliban sa sense of humor, hinangaan daw ni Tanya Chinita ang self-confidence ng comedian. Mukhang tanggap naman nila ang isa’t isa. Ang tanong, tanggap din kaya sila ng asawa ni Roger? Aray mo! Hahaha! Kaya naman pala malakas ang loob makipagharutan kay TitamaX dahil pinutol daw niya ang Internet nila sa Bicol. Basta, walang sisihan ’pag napanood pa rin ’to ng asawa niya dahil tinanong naman siya kung may magagalit ba at ’yan ang sinabi niya! Ay? May paghugas-kamay? ’Chos!

Mukhang hindi naman takot manuyo si Roger kung sakaling magtampo ang asawa niya. Hindi tulad ng live-in partner ng TitaMaX confession sender natin na daig pa raw ang roommate sa sobrang physically at emotionally unavailable. Kung physical touch ang love language mo, ang hirap naman no’n! Na-realize yata nilang dalawa kung gaano kaimportante ang pagiging clingy, kaya binigyan nila ng advice si MM habang magka-holding hands, magkayakap, at magkaakbay. Nakalimutan nga yata nilang nasa podcast sila kasi napa-order pa si Roger ng “titig” at ladies’ drink. Hahaha!

Mas uminit pa ang usapan nang dumako na sa Tough 5 questions ni Tanya Chinita. Pinatunayan ni Roger kung gaano siya katinik sa mga chicks! Bago pa kayo magalit, noon pa naman daw ’yon! Binago na raw siya ng panahon at ng Diyos, at s’yempre, magastos! Baka raw hindi na makapag-aral ang isa sa mga anak niya, ma-maintain lang ang babae niya. HUUUY! Wala yatang minutong hindi kami natatawa sa usapang ’to, kaya sorry na agad sa mga sasakit ang tiyan ’pag napanood ang full episode nito:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...