Copyright ©2026 LOVE RADIO
Rochelle Pangilinan, nagpaliwanag na kung bakit 'di kumpleto ang SexBomb Girls
Rochelle Pangilinan, nagpaliwanag na kung bakit 'di kumpleto ang SexBomb Girls
September 15, 2026

Makinig kayo, mga Mama Mama! May sagot na si Rochelle Pangilinan sa mga nagtatanong kung bakit hindi kumpleto ang grupo sa kanilang bagong music video na “Mama Mama." Sa isang social media post, sinabi ng SexBomb leader na marami talaga sa dating members ang wala sa comeback dahil may kanya-kanya na silang responsibilidad.

advertisement

"From Round 1 hanggang Round 6, bihira na talaga tayong maging kumpleto, kaya 'wag na nating hanapin yung wala—i-enjoy natin yung nandito! 🥰" comment niya. Nagpasalamat din siya sa lahat ng nanonood at sumusuporta sa comeback ng grupo, at hinikayat ang fans na balik-balikan ang nostalgia sa “Mama Mama.”

Ang "Mama Mama" music video ay inilabas matapos ang sunod-sunod nilang successful reunion concerts. Patunay lang 'to na hanggang ngayon, bonggacious pa rin ang mga batang pinalaki ng SexBomb Girls!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...