Copyright ©2026 LOVE RADIO
Rico Blanco, inilabas na ang kaniyang bagong kantang “Paalam”
Rico Blanco, inilabas na ang kaniyang bagong kantang “Paalam”
August 5, 2025

Mukhang super legit na ang pagiging ghost month ng August, mukha kasing may relapse malala na nangyari kay Rico Blanco! Charot! Noong August 1 kasi, inilabas na ng OPM legend ang kaniyang bagong single na 'Paalam.'

advertisement

Para raw sa isang "dear friend" ang kantang ito. Ang pinakamapanakit daw na linya ayon sa mga nakarinig na ay, "Paalam, kaibigan ko, 'wag kang magdaramdam" at "Sa tamang panahon, landas nati'y magtatagpong muli." Ansabe?!

“A hauntingly spare but exquisitely crafted ballad that captures the enduring imprint of goodbyes in all its bittersweet and hopeful glory.” Ganiyan i-describe ng singer at ng kaniyang fans ang bagong single na ito.

Chika niya pa, para lang daw sa pag-alis ng isang former bandmate ang kantang ito, pero sa rami ng nangyari, lalo na sa pagkamatay ng kaniyang kapatid na si Rey Blanco, ay nadagdagan ang bigat ng kanta.

Sa lahat daw ng kantang isinulat niya, ito ang pinakamatagal. Hugs, Korics!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...