Copyright ©2026 LOVE RADIO
Regine Velasquez, nakatanggap ng suporta mula kina Erik Santos at iba pa matapos magkaroon ng stage anxiety
Regine Velasquez, nakatanggap ng suporta mula kina Erik Santos at iba pa matapos magkaroon ng stage anxiety
February 24, 2026

Kahit talaga sobrang husay mo sa isang bagay, hindi ka makakatakas sa kaba at anxiety, 'no? Ito raw kasi ang pinagdaraanan ni Regine Velasquez ngayon, Kabisyo!

Ibinulgar ito ng Asia's Songbird sa kaniyang social media pagkatapos ng kaniyang performance kasama si Josh Groban. Inamin niya ring bago at tuwing umaakyat siya ng entablado para mag-perform, inaatake siya ng stage anxiety. Say niya, "[Lately,] every single performance for me is such a struggle." Hindi niya raw alam kung parte ito ng kaniyang edad, pero "it's [kinda] heartbreaking" sabi ni Regine.

advertisement

Agad namang bumuhos ang suporta at paghanga para sa beteranang diva.

Sabi ni Erik Santos sa kaniyang Instagram post, "Please know that your legacy as THE Asia’s Songbird is not defined by a single high note or a perfect vocal day. You remain undeniably one of the best, if not the best, in OPM." Nagpasalamat siya kay Regine dahil sa pag-show up pa rin nito kahit nahihirapan. Sabi pa ng singer, ang pagiging bukas ni Regine sa kaniyang pinagdaraanan ay isa lamang patunay na hindi lang siya basta icon, kun'di isang tao.

Sa kabila nito, marami pa rin tayong aabangan sa Asia'a Songbird lalo na't may kumpirmadong single siyang lalabas ngayong taon.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...