Copyright ©2026 LOVE RADIO
Regine Velasquez at Vice Ganda, magsasama para sa ‘Super Divas’ concert ngayong August
Regine Velasquez at Vice Ganda, magsasama para sa ‘Super Divas’ concert ngayong August
June 17, 2025

Ready na ba kayo para sa concert ng Asia’s Songbird at Unkabogable Superstar, mga Kabisyo? Sa darating na August 8 at 9, magsasama muli sina Regine Velasquez at Vice Ganda para sa ‘Super Divas’ concert! Gaganapin ang concert na ito sa Araneta Coliseum, at inaasahang magiging isa ito sa mga pinakamalalaking live event ngayong taon.

Excited na ang madlang pipol dahil sa surprise collaboration concert na ito! Bumuhos sa comments section ng kanilang post ang suporta mula sa kanilang fans. Sabi pa ng isa, “‘Yung Regine Concert na napuntahan ko noon, grabe na ang saya. Sulit! Paano pa pinagsama na sina Vice at Regine? Whooooh!” Bonggacious talaga!

advertisement

Kung bet mong makasama sa kulitan, tawanan, at kantahan nina Regine at Vice, abangan mo na ang ticket selling sa June 22. Narito ang ticket prices:

Platinum - Php 15,000
SVIP - Php 12,000
VIP - Php 8,000
Patron - Php 6,000
Lowerbox - Php 4,000
Upperbox - Php 1,500
GA - Php 500

Hindi na ito ang unang beses na nagsama sa stage sina Regine at Vice. Matatandaang nagkaroon na sila ng ‘The Songbird and The Songhorse’ concert series noong 2019, at sold out ang three-night show na ito. Mukhang ma-so-sold out rin ang ‘Super Divas’ concert ngayon, Kabisyo!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...