Copyright ©2026 LOVE RADIO
Raqi Terra, may panawagan para sa mga babaero ng ‘Pinas!
Raqi Terra, may panawagan para sa mga babaero ng ‘Pinas!
September 25, 2025

Umabot na ba sa mga news feed niyo ang iba’t ibang panawagan nitong nakaraang September 21, mga Kabisyo? Anti-corruption ang tema ng pagtitipon sa Luneta at EDSA, pero siyempre, ‘di papahuli ang mga Pinoy sa pagiging makuwela at witty ng placards nila! Viral na viral ang tinaguriang “Fishball Man” dahil sa nakakalurkei niyang panawagan. Sabi niya, “Ibaba ang presyo ng fishball! Ibaba ang presyo ng kikiam, tokneneng, kwek-kwek [at] calamares!” Mayro’n pa ngang gumawa ng “Sahod, itaas! Presyo ng makeup, ibaba!” na placard. Hahaha! Ano naman kayang pangunahing panawagan ng Kabisyo DJs niyo?

Angkol Dagol: Babaero, magbago! Ka-loyal, magdasal! #PrayboyUnite 🙏

advertisement

Nicole Hyala: Alisin ang mga matatandang politiko! Palitan ng batang pogi! Na may abs!

Kim Chino: Ibalik ang bitay sa mga ex na ‘di nakapaghintay!

Mara Tonee: Libre na ang mga registration sa fun run!

Raqi Terra: Mga manloloko, itapon! Mga matitino, magtipon-tipon!

Baka kulang pa ang 100 truck ng basura para sa mga manlolokong kilala namin. Charot with harot! Hahaha! Lagi niyong tandaan na mahalaga ang boses niyo, mga Kabisyo, kaya dapat lang na gamitin ‘to sa tama! Kailangan pa bang i-memorize 'yan? BASIC!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...