Sabi nga nila, mas masarap daw ang bawal. Pero paano ’pag nagkahulihan na? 1… 2… 3… GO! Kanya-kanya na! HAHAHA!
Kaliwa’t kanan ang mga kabit at mga biktima ng pangangabit na dumudulog kay Raqi Terra sa Secret Files at Top Secrets, kaya this time, siya naman ang lumapit sa ating mga Kabisyo para alamin ang saloobin nila tungkol sa kontrobersiyal na usaping ito! In fairness, alam na alam niyo kung sinong kakausapin para humingi ng advice, lalo na’t danas ng Basa Princess natin ang ganitong sitwasyon noon. Charot with harot!
Kung dati, mas pinili niyang maging bigger person, aba, mukhang ibang Raqi Terra na ang haharapin niyo ngayon! Handa na raw siyang manugod ng kabit ’pag nagkataon. Naku, ’wag niyong sabihing hindi namin kayo binalaan! HAHAHA!
Ilan sa mga tanong na pinag-usapan ay kung sino nga ba ang mas may kasalanan—ang kabit o ang nagpakabit? May karapatan bang magselos ang isang kabit? At bakit nga ba may mga pagkakataong mas matapang pa sila kaysa sa mismong jowa o asawa?
Ang masasabi lang namin, magpasalamat kayo na hindi ang Love Radio DJs ang magdedesisyon kung anong parusa ang nararapat sa mga kabit. Dahil kung sila ang masusunod, good luck na lang talaga! Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!

Raqi Terra, hindi raw takot manugod ng kabit kaya hindi dapat lokohin
