Copyright ©2026 LOVE RADIO
Raqi Terra, hindi napigilan ang galit sa pet crematorium na nang-scam daw sa fur parents
Raqi Terra, hindi napigilan ang galit sa pet crematorium na nang-scam daw sa fur parents
November 5, 2026

Hindi biro ang mawalan ng alagang hayop. Para sa fur parents, hindi lang basta aso o pusa ang mga alaga nila. Parte sila ng pamilya! Kaya naman, natural lang na gusto nilang mabigyan ang mga ito ng maayos at disenteng pamamaalam.

Usap-usapan ngayon ang isang pet crematorium sa Bacoor, Cavite matapos madikit sa pagkakatagpo ng nasa 29 na labi ng mga aso at pusa sa isang bakanteng lote sa Bulacan.

advertisement

Mas masakit pa rito, nagbayad ang pet owners ng libu-libong piso para sa individual cremation ng kanilang mga alaga, pero pekeng abo pala ang natanggap nila.

Imagine, bukod sa lungkot na nararamdaman mo dahil nawalan ka ng alaga, kailangan mo pang harapin ang ganitong klaseng panloloko. Talagang nakakagalit at nakakadurog ng puso!

Kaya naman, naisipan nating kumustahin ang ating Love Radio DJs na fur parents din at alamin kung ano ang masasabi nila tungkol sa isyung ito at ano sa tingin nila ang karapat-dapat na parusa sa may kagagawan nito.

Diego Bandido: Tiyaniin ang patilya at buhok sa ilong!

Nicole Hyala: Ikulong sa kulungan na kasingliit ng shoe box. Pira-pirasohin para magkasya!

Titan Gelo: Bitay ang maging parusa sa mga ’yan! Madaming na-scam na tao mga ’yan!

Conyo Bicolano: Meron akong fave phrase sa Bicol. Ito ang “DIOS MABALOS!” Dios, meaning God while Mabalos means “magbalik/gumanti.” Diyos na ang bahalang gumanti para sa kanila. Para sa”kin kasi, kulang ang kaparusahan ng tao sa ginawa nila!

Raqi Terra: Isama na lang din sila sa mga i-cremate. Hahaha! Charot with harot! Galit ako sa mga lumapastangan, sa mga hindi nagbibigay ng respeto sa mga nawalan na ng buhay, kaya dapat makulong sila at pakainin ng abo!

Kim Chino: ’Yung mga walang puso na owners naman ang ipatapon nang nakasako sa bakanteng lupa sa Tawi-Tawi!

Mara Tonee: Itapon din sila! Hahaha! Charot! Ikulong!

Angkol Dagol: Dapat kapunin! 😓

Tanya Chinita: Ikapon po!

Iba-iba man ang naging sagot ng paborito niyong mga Kabisyo, ramdam natin ang kanilang pagkadismaya at gigil lalo na si Basa Princess! Partida, bihirang magalit ’yan! Hindi lang kasi ito tungkol sa perang nawala sa fur parents. Tungkol din ito sa tiwalang ipinagkaloob nila at sa respeto na nararapat ibigay sa mga alagang minsang naging bahagi ng kanilang pamilya.

Sana maging patas ang imbestigasyon at makamit ng apektadong fur parents ang hustisyang nararapat para sa kanila. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...