advertisement
Conyo Bicolano: Marami dahil nobody’s perfect! Hahaha! Madalas na-e-experience ko na ma-bash dahil sa hitsura na meron ako. Para sa iba kasi, hindi ako pasok sa definition nila ng lalaki. Siguro dahil sa payat ko ba naman, sa pananamit ko, at sa mahaba at estetik kong buhok. Pero ayos lang ‘yun dahil sa tingin ko naman, eh, hanggat ‘di ka nakakasakit ng iba at malinis intesyon mo, kebs na! Padagos lang!
Mara Tonee: ‘Yung pagiging mukhang mataray ko! Hahaha! Akala nila, hindi ako approachable or hindi ako mayaya sa inuman, pero ‘yung totoo, wala lang talaga akong pang-ambag sa pulutan! Napangbili ko na ng running shoes! Ooops! 😂
Raqi Terra: Hmmm. ‘Pag naging marupok siguro ako ulit! Charot with harot!
Alam naman natin na walang taong hindi nagkakamali. Lahat tayo ay may kani-kaniyang saltik! HAHA! Siguraduhin lang natin na ang tama natin ay hindi nakakaapak, nakakabastos, at nakakasira ng buhay ng ibang tao. Spread kindness and love, mga Kabisyo! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? BASIC!
Raqi Terra, bina-bash dahil sa karupukan?!
May bangayan na naman sa newsfeed natin, mga Kabisyo! Pumutok nitong May 7 ang viral video nina BINI Colet, BINI Jhoanna, BINI Stacey, GAT Ethan, at Shawn Castro. Inakusahan sila ng netizens na ginagawa diumano nilang biro ang sensitibong karanasan ng isang menor de edad. Marami ang nainis sa ugaling pinakita ng limang sangkot kaya naman sunod-sunod din ang pag-ca-call out ng netizens sa kanila. Mayroon namang nagsasabi na hindi dapat ‘i-cancel’ ang BINI at GAT dahil tao lang sila at nagkakamali rin. Nakakalurkei ang warlahan sa comment section ng mga posts! Siyempre, siguradong relate din ang Kabisyo DJs natin sa ganitong mga issue dahil sila rin ay public figures. Pero kung sakali man, ano kaya sa tingin niyo ang magiging dahilan ng pam-ba-bash sa kanila? DJs, pasok!
Angkol Dagol: Ma-ba-bash ako kapag umalis ako sa Kaloyal Partylist at lumipat sa 3rd Partylist! 🥴
