Copyright ©2026 LOVE RADIO
Radio DJs, influencers, at fans, magsasama-sama sa KOLab Davao ngayong August 16
Radio DJs, influencers, at fans, magsasama-sama sa KOLab Davao ngayong August 16
August 4, 2026

Nagsimula ang new era ng collaboration sa Manila kung saan nagsama-sama ang mga DJ at content creator ng Love Radio, Yes FM, at Easy Rock pati ang mga Blogapalooza influencer para sa KOLab 2025.

Sinundan ito ng matagumpay na KOLab Cebu, ang kauna-unahang regional leg ng event, na ginanap noong January 18 sa One Mango Avenue kasabay ng pagdiriwang ng Sinulog Festival. Pinagsama-sama rin nito ang Love Radio at Yes FM DJs, local influencers, brands, at fans para sa isang araw ng content creation, collaboration, at games.


Ngayon, dadalhin naman ang KOLab sa Mindanao! Kaabang-abang ang KOLab Davao sa darating na August 16 sa Parking Area ng Caritas Bldg., Pelayo corner Rizal St., Davao City.

Inorganisa ito ng MBC Talents in partnership with Blogapalooza, at inihahatid sa atin ng Calla at PlayTime.

Mga Kabisyo, ito na ang chance niyo na makilala at makagawa ng content kasama ang inyong paboritong Love Radio Davao DJs at local influencers! Mas magiging exciting ang experience dahil may fun games na puwede ninyong salihan at exclusive merchandise na puwede ninyong maiuwi.

At ang pinakamaganda? Libre ang KOLab Davao, kaya naman isa ito sa pinakainaabangang influencer event ngayong taon sa Crown Jewel of Mindanao. Wala ka nang ibang dahilan para hindi pumunta, ha?

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...