advertisement
Sundan ang kuwento ni Bryan dito sa Raqi's Secret Files.
Pumanaw ang asawa ko na may tinatagong lihim - Raqi's Secret Files
Hi, DJ Raqi! Itago mo na lang ako sa pangalang "Bryan" at ito ang aking Secret File.
20 years kaming magkasama ng asawa ko, pero kamakailan lang, pumanaw siya. Sobrang sakit, DJ Raqi. Parang isang parte ng buhay ko ang nawala, pero alam mo, DJ Raqi, nakaramdam ako ng kaluwagan noong mawala ang asawa ko. Hindi ko maikakaila na marami kaming pinagdaanang hirap sa relasyon namin. Palagi siyang may sakit. Hindi namin inaasahan na ang ikamamatay niya ay heart attack.
