advertisement
Sinagot naman ni Ash ang isyung ito sa recent interview sa Hangover PH kung ano talagang nangyari sa video na ito. Una ay humingi siya ng paumanhin sa mga tao pinost niyang video sa kanyang social media account. Ipinaliwanag din niya na ang prank video na 'yon ay scripted at may consent ng both parties ang pagpopost nito. Pinag-usapan naman daw nila ni Marcus na ilalabas niya ang nasabing video sa social media. Nilinaw rin niya na mabuti silang magkaibigan ni Marcus at wala namang samaan ng loob na nangyari nang dahil sa video na ito.
Matapos naman magpaliwanag ay muling humingi ng paumanhin si Ash sa netizens at sinabing natuto na siya sa maling ginawa niya.
Marami pang ikinuwento ang RAYA kay DJ Shai kaya panoorin niyo na ang full video ng interview na ito, pati na rin ang performance nila sa YouTube Channel ng Hangover PH!
Para sa marami pang chika at nakakalurkei na balita, siguraduhin lang na lagi kang nakatambay sa Love Radio Manila!
Prank na nauwi sa bashing: Ash ng RAYA, nagpaliwanag na sa kontrobersyal na prank sa isa pang P-Pop group!
Sa nakaraang pagbisita ng P-Pop group na RAYA sa Hangover PH, hindi naiwasang maungkat ang kumalat na issue kamakailan lang tungkol sa naganap na bashing sa isang miyembro ng grupo. Ito ay dahil sa video na kumalat kung saan pinrank ni Ash ang isang miyembro ng P-Pop group na hindi ikinatuwa ng kanilang fans.
Sa video kasi, nakitang binugahan ni Ash ng tubig ang member ng P-pop group na Hori7on. Prank lang naman talaga ang video, pero hindi ito nagustuhan ng ibang netizens. Agad namang binura ni Ash ang video dahil saa mga negatibong komento ng mga tao.
