advertisement
I want my boyfriend to succeed in life. Kaso, darating at darating pala sa relasyon ninyo ‘yung parte na susubukan ni Lord kung hanggang saan ang kaya mong ibigay o isakripisyo. Isang araw, naaksidente si Greg. Nilunok ko ang pride ko at nanghingi ng pera sa mga magulang ko, pero hindi ko sinabi ang totoong dahilan. Desperado na ako na matulungan si Greg. Php 50,000 ang ipinahiram sakin ng parents ko at ‘yun ay buong-buo kong binigay sa tatay ni Greg.
Sundan ang kuwento ni Minela rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Pinerahan ko ang magulang ko para sa boyfriend ko - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo ako sa pangalang “Minela” at ito po ang aking Secret File. May malaking kasalanan ako sa mga magulang ko—kinailangan kong magsinungaling sa kanila. Naging desperada ako alang-alang sa boyfriend ko, at bago ako mahahusgahan ng iba, sana ay maintindihan nila kung ano man ang pinanggalingan ko.
