advertisement
Kinalaunan, napagod na kami sa isa't isa. Nagpasiya po kaming mag-cool off at pagkatapos ng mahigit na isang linggong cool off, nag-decide akong makipag-communicate na ulit kay Martha. Nalaman ko na lang na nag-iba na pala siya ng direksyon. Ang direksyon na po ng puso at isip niya ay mukhang palayo na sa akin at papalapit naman sa ibang tao.
Sundan ang kuwento ni Norman dito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Pinagtaksilan niya ako, pero pangit naman ang ipinalit niya - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo na lang po ako sa pangalang “Norman” at ito ang aking Secret File. Dati, isa akong bank teller, at naging kliyente ko si Martha noong siya ay cash remittance clerk ng isang ahensyang pinagtatrabahuan niya. Dito po kami unang nagka-develop-an at nagkahulugan ng loob. Pagkatapos lang ng anim na buwan na panliligaw ay sinagot niya na ako. Sa madaling salita ay naging kami na.
