advertisement
Ayaw ko naman pagdudahan si May. Kita ko kung gaano siya kasubsob sa work. Pagod siya, so paano niya pa magagawang magloko sa akin? ‘Yun ‘yung tumatakbo sa isipan ko. All the while, nakasuporta lang sa akin ‘yung common friend namin. Siya ang naging takbuhan ko.
Sundan ang kuwento ni Alex dito sa Secret Files with Raqi Terra.

Pinagsabay ko ang tropa at girlfriend ko - Raqi Terra’s Secret Files
Dear Raqi Terra,
Itago niyo ako sa pangalang “Alex” at ito po ang aking Secret File. Limang taon na kaming magjowa ng girlfriend kong si “May.” Nitong mga nakaraan, naramdaman kong nagkakalabuan kami. Hindi ko na kasi siya nakakasama kasi lagi siyang busy sa trabaho. Isang araw nga, eh, nahuli pa siya ng common friend namin na may kasamang iba.
