advertisement
Tinatakot niya ako. Ang sasabihin niya sa akin ay kapag nagsumbong daw ako, masisira ang pamilya namin at iiwan kami ng mama ko. Naiiyak ako dahil hindi ako makapagsumbong.
Sundan ang kuwento ni Lea rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Pinaglaruan ako ni tito noong bata pa ako - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo ako sa pangalang “Lea” at ito po ang aking Secret File. Sa murang edad, naranasan ko ang paulit-ulit na pang-aabuso mula sa tiyuhin ko na nakatira sa bahay ni Lola. 12 years old pa lang ako that time, habang siya naman ay nasa thirties. ‘Pag ako lang ang naiiwan sa bahay, nakikipaglaro sa akin—pinaglalaruan niya rin ang maselang bahagi ng katawan ko.
