Copyright ©2026 LOVE RADIO
Picture Frame ni Tanya Chinita, mabisang nga bang pampakalma?!
Picture Frame ni Tanya Chinita, mabisang nga bang pampakalma?!
April 28, 2025

Love Radio DJs na ang humusga kung gaano ka-importante sa buhay ang presensya ng isang Tanya Chinita! HAHAHA!

Sa nakaraang video na ipinost namin sa YouTube ng Love Radio Manila, naging instant live seller ang Kabisyo DJs nating sina Conyo Bicolano, Nicole Hyala, Diego Bandido, Mara Tonee at Raqi Terra!

advertisement

Hindi lang basta-basta live selling ang ginawa nila dahil nilagyan namin ito ng twist! Ang eksena, eh, mag-la-live sell sila pero hindi nila alam kung anong binebenta nila. Blind live selling, kumbaga! HAHAHA! Ang tanong, tumugma naman kaya ang mga description nila sa mga item na inilagay namin sa box para ibenta?

Para sa unang item, naglagay kami ng pampalakas, pampa-healthy at napakasarap na talong! Para naman sa pangalawang item, picture ni Tanya Chinita ang ipinabenta namin sa kanila! Totoo nga bang puwedeng iregalo ito sa boss dahil mabisa itong pampakalma? Ganito talaga ka-essential ang isang Tanya Chinita! HAHAHA!

Soafer laughtrip ng video na 'to kaya hindi mo dapat ma-miss 'to!

Para sa marami pang chika at nakakalurkei na balita, siguraduhin mo lang na lagi kang updated sa mga ganap ng Love Radio Manila!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...