Copyright ©2026 LOVE RADIO
Paulit-ulit akong sumubok na magmahal - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Paulit-ulit akong sumubok na magmahal - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
November 24, 2025

Hi, DJ Raqi at DJ Gelo! Itago niyo na lang ako sa pangalang "Kim," 29 years old, isang OFW na kasalukuyang nasa Lebanon, at ito ang aking Secret File. Year 2012, 15 years old pa lang ako no'n nang mabuntis ako no'ng una kong boyfriend. He was my first love at siya ang pinakaunang lalaking pumasok sa buhay ko. Siya rin ang nakakuha ng virginity ko. Habang nagbubuntis ako in the first three months, naghiwalay po kami dahil nakahanap siya ng ibang babae.

Year 2013 nang ipinanganak ko ang anak kong baby boy. Dahil sa pagbuntis at pag-anak ko, nag-stop po ako ng pag-aaral ko. Happy and proud naman ako sa mga magulang ko kasi kahit maaga akong nabuntis gusto pa rin nilang ituloy at suportahan ang aking pag-aaral, pero, DJ Raqi at DJ Gelo, that time, ayoko na pong pumasok ulit. Ayoko nang mag-aral kaya po, DJ Raqi at DJ Gelo, fast forward, hindi ko maitanggi na kahit wala akong trabaho no'n, alam ko naman na obligasyon kong buhayin ang anak ko dahil ako ang nanay niya.

advertisement

Sundan ang kuwento ni Kim dito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...