Copyright ©2026 LOVE RADIO
Pamilya sa Cabanatuan, viral dahil pare-parehong nagmana ng kakulitan sa tatay nila! 
Pamilya sa Cabanatuan, viral dahil pare-parehong nagmana ng kakulitan sa tatay nila! 
February 1, 2026

‘Di lang pala magaganda’t gwapong fez ng ating mga magulang ang namamana, kun’di pati na rin ang amats nila! Hahaha! Sa isang viral video na ibinahagi ni Princess Ramirez, kita ang nakakalurkei na sayawan nila. May sumasayaw sa mesa, sa upuan, at sa gilid na para bang fiesta sa loob ng bahay nila!

advertisement

Kuwento ni Princess, kinuha ang video sa mismong birthday ng nanay nila. Madalang na lang silang makumpleto, kaya naman kapag nagkasama-sama, talagang over sa kakulitan ang bonding moments nila. “Bihira na lang din po kami mabuo kaya sinusulit po namin palagi kapag magkakasama kami,” sabi niya.

Talaga namang nakakahawa ang good vibes ng pamilyang ‘to! Kayo ba, mga Kabisyo, naisalin din ba nang maayos ang amats ng mga magulang niyo sa inyo?

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...