Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: One More Chance…Ulit?
Kumikinang na Tambalan: One More Chance…Ulit?
May 24, 2026

Isang Tamballerina ang nagkwento sa Kumikinang na Tambalan tungkol sa ex niya na matagal niyang minahal at ilang beses ding bumalik sa buhay niya.


Ayon kay Viy, nag-migrate sa Canada ang ex niya at habang nasa ibang bansa ito, bigla na lang siyang hindi kinausap. Kalaunan, nalaman niyang may girlfriend na pala ito kaya kahit masakit, sinubukan niyang mag-move on.

advertisement


Pagbalik ng ex niya sa Pilipinas, umasa si Viy na baka may chance pa sila, pero may iba na ulit ito. Nagkaroon pa ng mga pagkakataong gustong makipagbalikan ng lalaki, pero kalaunan ay nabuntis nito ang girlfriend niya at nauwi sila sa kasalan.

After 15 years, nagparamdam ulit ang lalaki at sinabing hiwalay na raw sila ng asawa niya at gusto niyang makipagbalikan. Kaya ngayon, napapatanong si Viy kung dapat pa ba niya itong kausapin ulit, o ito na ba ang closure na matagal na niyang hinahanap.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...