Dear Raqi Terra,
Itago mo ako sa pangalang Kelly at ito ang aking Secret File. Meron akong live-in partner. Anim na taon na kami ng partner ko at ang akala ko, habang tumatagal ang isang relasyon, tumatatag ito. Pero DJ Raqi, hindi gano’n ang nangyayari sa amin dahil paulit-ulit pa rin kaming nag-aaway at isa sa mga dahilan nang hindi namin pagkakaunawaan ay ang anak niya sa ibang babae. Bago pa kami naging magkarelasyon, eh, may anak na talaga siya.
Alam ko naman ’yun, simula pa sa simula. Tinanggap ko naman ang sitwasyon kasi naiintindihan ko na may responsibilidad siya bilang ama, pero habang tumatagal, hindi ko maiwasan na makaramdam ng sama ng loob.
Sa tuwing may kailangan ng anak niya, sa tuwing i-me-message siya ng nanay ng anak niya, lagi siyang handang sumalo. ’Pag kailangan niyang puntahan, sige, punta naman siya. Kapag kailangan ng pera, sige padala naman siya.
Hindi ko naman sinasabing pabayaan niya ’yung bata. Ang masakit lang para sa akin, parang lahat ng plano namin para sa sarili naming kinabukasan, eh, laging naisasantabi.
Sundan ang kuwento ni Kelly rito sa Raqi’s Secret Files.

Okay lang magkakabit, basta ’wag daw ako magpahuli - Raqi's Secret Files
