Copyright ©2026 LOVE RADIO
Ogie Alcasid at Regine Velasquez, bida sa ‘Kailangan Kita’ musical sa May 2027
Ogie Alcasid at Regine Velasquez, bida sa ‘Kailangan Kita’ musical sa May 2027
November 3, 2026

Kaya naman pala walang pelikula together—musical pala ang gusto! Mapapanood na natin sa iisang production sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid dahil bibida ang mag-asawa sa upcoming musical na Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical sa May 2027!

Gaganapin ang musical sa Newport Performing Arts Theater at tampok dito ang mga kantang isinulat at kinanta ni Ogie sa halos 40 taon niya sa industriya ng OPM. Ayon kay Ogie, pitong taon ding pinaghandaan ang project. Siya mismo ang gaganap sa lead role, habang si Regine naman ang makakasama niya bilang leading lady. Pasabog kayo!

advertisement

Ilan sa mga kantang inaasahang mapapakinggan sa musical ang mga OPM hits ni Ogie na 'Kailangan Kita,' 'Hanggang Ngayon' at 'Dito sa Puso Ko.'

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...