Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo na lang po ako sa pangalang Rocky. Ito ang aking Secret File. Isa po akong avid listener ninyo simula pa noong pandemic. Maraming salamat sa bawat kwentong binabasa ninyo araw-araw. Hindi lang po ito naging libangan para sa akin kundi naging aral din sa buhay, pero ang kwentong ito ay hindi tungkol sa akin. Ito po ay tungkol sa Ate ko—si Ate Jasni.
Si Ate Jasni ang pang-apat sa walong magkakapatid at ako naman ang pangpito. Tahimik siyang tao. Hindi siya palabiro o expressive, pero sa simpleng paraan niya ng pagmamahal, ramdam na ramdam naming lahat kung gaano siya nagmamalasakit sa aming pamilya.
Sa nakalipas na limang taon, ako na ang tumayong breadwinner ng pamilya. Dahil sa trabaho, aminado akong hindi ko masyadong nabigyan ng oras si Ate. Akala ko, marami pa kaming pagkakataong bumawi. Hindi ko alam na unti-unti na pala kaming ninanakawan ng oras.
Sundan ang kuwento ni Rocky rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

