Naging usap-usapan noong 2022 ang isyu na may pinaalis daw na miyembro ang NOBITA dahil sa politika—isang tsismis na mabilis nilang itinanggi sa isang official statement.
Sa interview nila kay DJ Shai sa Hangover, inalala ng banda kung gaano kabigat ang naging epekto ng nasabing kontrobersiya. Ayon kay Jaeson Felismino, naging mahirap para sa kanya ang panahon na ’yon. “I had my phase… Ako ay na-depress sa nangyari na ’yon,” sabi ng vocalist, na ngayon ay nawalan na raw ng paki.
Para naman sa lead guitarist na si Sam Aquino, mas challenging ito dahil pandemic noon at hindi sila magkakasama. “It took a toll sa’min,” aniya. Pero imbes pumatol, pinili nilang tumahimik at makinig sa payo ng kanilang team. “Thankful kami na wala kaming pinagsisihan… may peace of mind pa rin kami,” dagdag niya.
Sa kabila ng lahat, mas tumibay pa raw ang samahan nila. “Mas minahal ko ’yung bandmates ko… ’yung buong team,” ani Jaeson. Aminado rin sila na nasaktan sila sa natanggap na hate, lalo na’t sanay sila sa love songs at positivity. Pero ngayon, naka-move on na ang banda at balik-focus sa musika.
At kung may gusto pa raw na umusisa, i-DM niyo na lang sila. HUUUY! Hindi na para ungkatin pa lalo ang nakaraan. Panoorin niyo na lang ang full interview nila sa YouTube channel ng Hangover PH!

