advertisement
Sundan ang kuwento ni Boogie rito sa Raqi's Secret Files.
Niloloko ko ang inaalagaan kong asawa na may sakit - Raqi's Secret Files
Hi, DJ Raqi! Itago mo ako sa pangalang "Boogie" at ito ang aking Secret File. Nasa late 40s na ako at mayroon akong asawa sa loob ng mahigit 25 years. Marami kaming pinagdaanang pagsubok. Bata pa, nagpakasal na kami at parehas kaming nagkaroon ng mga pagtataksil no'ng unang mga bahagi ng relationship namin, pero lahat naman ng 'yun ay nalampasan namin.
Naranasan naman namin ang smooth relationship for the past two years, kaya lang, there was a point in my life na napaisip ako kung tama pa ba ang relasyong ito. It was year 2019. Nag-18 years old na ang kaisa-isa naming anak. Para bang hindi na ako masaya. Mayroon akong urge na makipaghiwalay na sa asawa ko.
