advertisement
Madalang pa sa patak ng ulan kung dumating ang ganito kahabang panahon para magpahinga kaya pinaghandaan talaga ito nang bonggacious ni Nicole Hyala!
Kung ’yung iba nating mga Kabisyo umakyat ng bundok, lumangoy sa dagat, o humilata sa bahay, dinala naman ng Reyna ng Radyo ang amoy, este, ang pagmamaganda niya sa Land of the Rising Sun! Sa mga echoserang kokak d’yan, hindi ito “outang” ha o ’yung outing kahit may utang! Matinding pag-iipon talaga ’yung dahilan kung bakit nag-OMAD si Nicole Hyala, pangalawa lang ang kagustuhan niyang magpaka-healthy. ’Chos!
How we wish hindi namin inuna ang pag-che-check out ng kung anek-anek, eh, ’di sana may budget din kami para sa JaFun! Nasa huli talaga ang pagsisisi. Habang siya, may hangover sa bakasyon, kami naman ay nagpapagaling sa lagnat, ubo’t sipon. Huhu!
Eme! Dasurv ng Reyna ng Radyo ang bakasyong ito dahil kung kumayod naman siya, daig pa ang may binubuhay na sampung pamilya! Ganorn!

