advertisement
Tanya Chinita: Chaka na siya ngayon. Ayaw ko na sa kaniya. Hahaha! May asawa na rin siya.
Nicole Hyala: Ang huling balita ko ay beki na siya, eh. Hahaha!
Diego Bandido: During childhood, cute pa kami. Ngayon, tingin ko, ‘di na kami cute. Haha! Baka magpasalamat pa ako na hindi kami nagkatuluyan! Siguro, nakakatuwa lang na nag-cross ang landas namin. ‘Yun lang din ang masarap balikan! 🤭
HAHA! Mukhang iba-iba na ng landas ang childhood crushes nila, ah? Wala talagang makakapagsabi kung anong mayro’n sa kinabukasan natin. Basta ang past ay past, pero kung sakaling magkita kayo ulit at pareho naman kayong single, eh, ‘di gawin niyong future ang isa’t isa! Ito na ang sign mo para hanapin mo ang childhood crush mo, Kabisyo! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? BASIC!
Nicole Hyala, na-in love na sa beki noon?!
Napuno ng throwback pictures ang feed natin nitong nakaraang mga araw dahil sa nakakalurkei na confession ni Kathryn Bernardo! Sabi niya, mayro’n daw siyang childhood crush. Si Kenneth daw! Eh, ikaw, Kabisyo? Naalala mo pa ba ‘yung childhood crush mo? Siya ba ‘yung schoolmate mong sinisilip tuwing flag ceremony at lunch break? Kung ‘di naman schoolmate, baka siya ‘yung kalaro mo tuwing tanghali hanggang hapon, bago kayo tawagin para magmeryenda! Sobrang in love na in love ka sa kaniya noon at talagang ginagawan mo pa siya ng letter tuwing Valentine’s Day! HAHA!
Nakakatuwang isipin na mayro’ng nagpapakilig sa’tin noon, pero nasaan na kaya sila ngayon? Ano na kayang balita sa mga childhood crush ng ibang Kabisyo DJs natin? DJs, pasok!
