Copyright ©2026 LOVE RADIO
Nicole Hyala, may red lipstick daw sa “GO BAG?!”
Nicole Hyala, may red lipstick daw sa “GO BAG?!”
October 16, 2025

Nakakalurkei ang sunud-sunod na paglindol nitong mga nakaraang linggo, kaya kaliwa’t kanan na ang mga paalala. Isa na nga riyan ang paghahanda ng “go bag” o emergency kit na may lamang mga importanteng gamit na kakailanganin kung sakaling kailangan nating lumikas.

Kani-kaniyang flex na nga ang mga LGU ng pinamimigay nilang “go bag,” pero isa sa mga naging usap-usapan? ‘Yung may skincare sa loob! Legit ba ‘yon? Grabe naman ang priorities! Hahaha!

Dahil diyan, tinanong namin ang paborito niyong mga Kabisyo kung ano ang gusto nilang laman ng “go bag” kung sila ang masusunod.

Angkol Dagol: Pera!!!! 🥴

Tanya Chinita: Sana ang laman ay tag-1K.

Conyo Bicolano: Go bag na may national ID—ang tagal na kasi. Baka lang pwede niyo na rin ipadaan sa go bag ’yan?

Nicole Hyala: Lipstick! Manatiling pumuputok na pula ang labi sa gitna ng lahat!

Diego Bandido: Hmm... mahusay para sa akin, need ilagay sa go bag ang baraha. ’Pag na-trap ako, may gagawin ako! Pwedeng mag-solitaire o kung may makakasama ako, pwede kami mag-tongits o pusoy dos para ’di boring while waiting sa rescue.

Mara Tonee: RUNNING SHOES, s’yempre! HAHAHA! But wait, don’t judge! Para kapag dating ng sakuna, mabilis kang makakatakbo. Hindi ka lulumpo-lumpo!

Kim Chino: PERA na lang para may panggastos ako sa maling tao.

Titan Gelo: Isang supply ng unlimited Wi-Fi hotspot device (kahit saan gumagana) para naman ma-update ko ang social media accounts ko. Kailangan malaman ng mundo na surviving in style tayo. 😂

Totoo man o hindi ang chismis tungkol sa pagkakaroon ng skincare sa “go bag,” ‘wag kayong mag-alala. Gets daw kayo ng Kumikinang Ina! Para sa kanya, ka-level ito ng maintenance meds niya na hindi pwedeng makalimutan sa isang araw. Para bang magiba na ang bahay niya, wag lang mabasag ang glass skin niya. ‘Chos! Hahaha!

Pero seryoso, Kabisyo, ‘di lang dapat glowing—dapat knowing din kung anong gagawin sa oras ng sakuna. Ganurnt!

Kaya siguraduhing ang “go bag” mo ay may tubig, pagkain, whistle, flashlight, battery, first aid kit, mga importanteng dokumento, at s‘yempre, ‘wag kalimutang magdasal para sa kaligtasan nating lahat. Kailangan pa bang i-memorize 'yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...