Kaya habang kanya-kanyang diskarte ang mga Kabisyo sa halos araw-araw na ulan, tinanong natin ang mga Love Radio DJ: Ano ang pinakaayaw mo sa tag-ulan?
Diego Bandido: S’yempre, ang pinaka-hate ko sa tag-ulan is ’yung baha! Nagiging jet ski driver ang mga kapwa ko nag-mo-motor. Naaawa ako sa mga taong nadadaanan ko sa palengke na may plastic sa ulo para ituloy ang laban. Tuwing tag-ulan, na-re-remind ako ng FROG control... ay, FLOOD control SCAMdal... ay, SCANDAL pala! Nicole Hyala: Naaalala ko ’yung ex ko. Umuulan no’ng nahuli ko siyang may nakasukob na iba sa payong niya.
Titan Gelo: ’Yung nilalamig ka ng walang kayakap!
advertisement
Conyo Bicolano: Ayoko sa lamig na dulot ng ulan dahil mas naaalala kong nanlamig siya sa’kin.
Raqi Terra: ’Yung baha. Haha!
Kim Chino: ’Yung lamig... ’yung sampal sa mukha na wala akong ka-cuddle!
Mara Tonee: ’Yung tamad feeling!!! ’Yung kahit wala akong sakit, gusto kong mag-SL kasi tamad ako mag-work! Hahaha!
Tanya Chinita: Baha! Nakakaawa naman ’yung ex ko. Hindi makapunta sa jowa niyang bago!
Angkol Dagol: Ang ayaw ko sa tag-ulan ay ang talsik! Sa totoo lang, iba ang dating ng tag-ulan kapag hindi lang ulan ang iniisip mo. Para sa iba, ordinaryong hassle lang ito; para sa iba naman, banta ito sa pagpasok, pag-uwi, trabaho, at seguridad ng pamilya. At habang sanay na tayong mag-adjust sa baha at iba pang epekto ng malakas na ulan, hindi rin dapat maging normal na tayo na lang palagi ang kailangang dumiskarte. Lalo na ngayong mas maingay ang usapin tungkol sa flood control at kung saan napupunta ang pondong dapat sana’y nakatutulong sa mga komunidad. May mga bagay na puwedeng pagtawanan para gumaan ang araw, pero may mga bagay ding dapat seryosohin. Kaya sa lahat ng Kabisyo, doble ingat tayo ngayong tag-ulan. Mag-abang sa mga abiso at unahin ang kaligtasan. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!


