Imbes na nakakausad na kahit papaano ang mga Tambalanista, nagsama na naman sina Chris Tsuper at Nicole Hyala! Okay... relapse ulit! HAHAHUHU!
Bilang bahagi ng Valentine’s Day, naimbitahan ang Kambyo King at ang Kumikinang Ina sa SCENEZONE ng DZRH News Television. Mahigit isang taon na mula nang magpaalam si Chris Tsuper sa 20 years nilang pinagsamahan ni Nicole Hyala para magbaka-sakali bilang konsehal sa Lucban, Quezon. Kumusta na nga ba sila ngayon?
Nakakalurkei lang na hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang mga tanong kung bakit hindi sila ang nagkatuluyan. Sa ika-632nd time, nilinaw ng dalawa na hindi kilig, kundi pandidiri ang naramdaman nila sa isa’t isa. Mula kiss sabay hug hanggang holding hands, ginawa na nila, kaya ’wag na po tayong mapilit. ’Chos!
Gano’n pa man, grabe pa rin ang iyak ng Reyna ng Radyo no’ng maghiwalay sila at umabot pa sa punto na nainis na sa kanya ang asawa niya. HAHAHA! Daig pa naman kasi niya ang namatayan. Hindi lang ’yan. Dumaan din pala siya sa phase kung saan nagbabasa, nakikinig, at nanonood siya para makatulong sa pag-mo-move on niya. Eh, ’di, ang sarap mo sa part na ’yan, Kambyo King?!
Matapos ang itinuturing na “end of an era” ng karamihan, dumating naman ang isang malaking pagsubok sa kalusugan ng Kumikinang Ina. Na-diagnose kasi siya ng thyroid cancer at ngayon ay patuloy na nagpapagaling. Sa awa ng Diyos, hindi naman gaanong naapektuhan ang boses niya. Awa na lang talaga, ’di ba? Panlalaki na nga magsalita, pupuntiryahin pa ba? HAHAHA! Sa kabilang banda, hindi rin pinalad si Chris Tsuper na makapasok sa pulitika. Patunay na yata ’to na hindi sila hiyang nang magkalayo sila. Sign na kaya ’to para balikan nila ang isa’t isa? Wow! Na para bang magjowa talaga? EME!
Alam naming na-miss niyo rin ang dalawang ’to, kaya panoorin ang full interview nila rito:

Nicole Hyala, mas nahirapan daw mag-move on kay Chris Tsuper kesa sa mga naging boyfriend?!
