Kahit gaano ka pa raw katalino, ’pag tinamaan ka raw ng pag-ibig—automatic, matatanga ka. Ang numero uno riyan? Ang paborito niyong mga Kabisyo!
Kaya naman ang gagaling nilang magbigay ng advice—hindi dahil perfect sila, kundi dahil gravecious to the maximum levelacious ang pinagdaanan nila. No wonder, parang na-trigger ang PTSD nila sa trend na “Gaano ka kahalimaw magmahal?” sa TikTok. Eh, bakit ba kasi ang hilig niyong mang-expose? Nakakausad na nga ’yung mga tao, eh!
S’yempre, hindi natin palalagpasin ang pagkakataong masagot ’yan ng Love Radio DJs. Choose your fighter na lang!
Angkol Dagol: Halimaw ako magmahal dahil kinakain ko ’pag mahal ko.
Tanya Chinita: Bumibili po ako ng costume para sa bembang namin. Gusto niyo makita collection ko?
Conyo Bicolano: ’Wag mo nang tanungin. Baka ’di mo kayanin dahil kahit sa fitting room, kaya kong patunayan na mahal kita.
Nicole Hyala: Hinabol ko ’yung lalaki no’ng siya ’yung nag-walk out no’ng nag-aaway kami. Umabot ’yung habulan sa pagsakay niya ng jeep, tapos hinabol ko ’yung jeep. Hahaha!
Diego Bandido: Hmmm... pumayag ako na tatlo kami at ako lang ang nakakaalam na tatlo kami. ’Pag magkasama kami na parating na ’yung isa, pinapaalis na ako. Ako naman, si tanga, umalis habang umiiyak.
Mara Tonee: Kaya kong hindi matulog ng isang araw makasama ka lang tumakbo sa madaling araw!
Kim Chino: No’ng sinabi niyang “tama na,“ sinagad ko pa. Ay! Sinagad ang chance na ma-survive ang relasyon, pero wala na talaga.
Raqi Terra: Nakipagkita ako sa babae niya at hinayaan kong umiyak ’yung babae na para bang siya ’yung mas nasaktan, tapos sabi ko, “Baka kayo talaga para sa isa’t isa? Sa’yo na siya.”
Titan Gelo: Kaya kong magpa-convert ng religion para lang matanggap ako ng family niya.
Hindi pala talaga si Mara Tonee ang OG athlete ng Love Radio. Si Nicole Hyala pala talaga. Training niya ’yung paghahabol sa maling tao dati. Partida, naka-heels pa siya. Hahaha! Buti na lang nadapa at natauhan. Kayo kaya, kailan? Charot with harot! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Nicole Hyala, hinabol ang jeep na sinakyan ng ex matapos ang matinding away?!
