May mga kwentong nakakatakot. May mga kwentong nakakatawa. Pero paano kung pinagsama ang dalawa?
’Yan ang pasa is bog na hatid nina Nicole Hyala at Titan Gelo sa kanilang bagong podcast na Ang mga Kwento ng Mahiwagang BOOrnay, na inilabas na nitong Thursday, August 27.
Sa kauna-unahan nilang episode, pinagsama ng Tambalan ang kanilang kaduwagan at kakulitan para sa isang bonggacious listening experience na hindi lang pampakilabot, kundi pampagaan din ng mood.
Mas magiging kapana-panabik din ang bawat episode dahil manggagaling mismo sa mga Kabisyo ang mga kuwentong babasahin sa programa. Kung mayroon kang kakaibang karanasan na hindi mo pa rin maipaliwanag o isang pangyayaring hanggang ngayon ay hindi mo malimutan, maaari mo itong ipadala sa aming Facebook page. Ikwento mo na ’yan bago pa ikaw ang maging kwento. HAHAHA!
Kaya kung mahilig ka sa horror pero ayaw mong puro takot, anong tawag sa sakit mo? Charot with harot! Baka swak sa’yo ang Ang mga Kwento ng Mahiwagang Boornay.
Abangan ’yan tuwing Huwebes sa Spotify, Apple Podcasts, YouTube, at iba pang platforms.
Simulan na natin ang takotawanan!


