Copyright ©2026 LOVE RADIO
Nicole Hyala at Love Radio Manila, panalo sa Platinum Stallion Media Awards
Nicole Hyala at Love Radio Manila, panalo sa Platinum Stallion Media Awards
February 23, 2026

Kung noong January, meron tayong Most Outstanding FM Radio Station sa Gawad Lasallianeta, ngayong February naman ay nakatanggap tayo ng FM Radio Station of the Year at Female Disc Jockey of the Year para kay Nicole Hyala sa Platinum Stallion Media Awards! Kumusta, March? Na-pe-pressure ka na ba? Charot with harot!

Present sina Tanya Chinita, Angkol Dagol, Conyo Bicolano, Diego Bandido, at Mara Tonee sa Trinity University of Asia. Lalong espesyal ang panalong ito dahil maliban sa ikalawa at ikatlo natin ito ngayong 2026, katatapos lang ng 51st anniversary celebration ng Love Radio Manila! ’Yung mga ganitong parangal ang patunay na kaya tumagal nang ganito ang paborito niyong istasyon ay dahil sobra kayo kung magmahal.



Looking forward kami sa mas marami pang stage na aakyatin, kahit mahihina na ang tuhod namin, at trophies na kukunin para i-display. ’Wag niyo nang problemahin kung paano pagkakasyahin, basta keep them coming! HAHAHA!

Sa pagdami ng mga recognition na natatanggap namin ay makakaasa kayong mas gagalingan namin sa pagbibigay sa inyo ng relatable songs, stories, pieces of advice, at prizes na swak sa inyong panlasa.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...