Copyright ©2026 LOVE RADIO
Nicole Hyala at Chris Tsuper, balik-tambalan na nga ba ngayong 51 years na ang Love Radio?
Nicole Hyala at Chris Tsuper, balik-tambalan na nga ba ngayong 51 years na ang Love Radio?
February 15, 2026

’Pag nababasa niyo ang salitang “crying/iyakan” at “end of an era,” ang petsang “October 11, 2024,” at ang Kwento ng Mahiwagang Burnay na may pamagat na “Hanggang sa Muli,” ano ang pumapasok sa isip niyo? Kung Tambalan ang sagot niyo, certified Tambalanista nga kayo! Hahaha!

Sa ganitong laro sinalubong ng paborito niyong mga Kabisyo ang 51st anniversary ng Love Radio. Isa sa mga pinahulaan sa kanila ang “Tambalan: Ang Huling Paalam,” na kahit mahigit isang taon na ang lumipas ay may kurot pa rin sa puso ’pag naaalala.



Nakausad naman na raw ang Kumikinang Ina natin, pero inamin niyang nahirapan daw talaga siyang maka-get over sa pamamaalam ng Kambyo King. Nariyan ’yung nagbasa siya ng mga libro tungkol sa letting go. Na para bang mag-asawa talaga sila! Hahaha! Pero 20 years naman kasi ’yun. Kayo nga, three months lang tinagal niyo ng situationship mo, nag-re-relapse ka pa rin hanggang ngayon, eh! EME! Atake!

Hanggang ngayon, umaasa pa rin ang maraming Tambalanista sa pagbabalikan ng Tambalang Balahura at Balasubas. Malay niyo naman, ’yun pala ang pasabog sa ika-51 taon ng Love Radio sa radyo. Sabay-sabay tayong umasa, para hindi lang kami ang hopia sa huli. Charot with harot!

Malayo na talaga ang narating ng samahan natin, mga Kabisyo. Gaano pa kaya karami ang naaalala ng Love Radio DJs tungkol sa nakaraan nila? Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!


Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...