Copyright ©2026 LOVE RADIO
Never the strangers, nagsalita na tungkol sa mga komento ng tao na katunog nila ang Cup of Joe!
Never the strangers, nagsalita na tungkol sa mga komento ng tao na katunog nila ang Cup of Joe!
June 12, 2025

Sa nakaraang guesting ng Never the Strangers sa Hangover PH, napag-usapan at nagbigay na ng komenta ang duo tungkol sa komento ng fans na katunog daw nila ang bandang Cup of Joe.

Bakas sa mukha ng dalawa ang paghanga sa narinig na papuri dahil talaga nga namang ramdam daw nila kung gaano kalakas sa mga Pinoy ang mga kanta ng Cup of Joe lalong-lalo na ang 'Multo' na sikat na sikat sa social media ngayon. Napakalakas daw ng dating at melody ng kanta kaya naman nabanggit pa nila na minsan nilang naisip na sana, eh, sila na lang ang nakapagsulat ng kantang 'yon kaya naman pinagpapasalamat ng dalawa sa fans na na-co-compare sila sa Cup of Joe.

advertisement

Tinanong din ni DJ Shai ang Never the Strangers kung sa tingin daw ba nila ay may chance pang makapasok ulit sa mainstream ang mga kanta nila gaya ng ikinukumpara sa kanilang banda. Ayon naman sa dalawa, hindi sila nawawalan ng pag-asa na makakapasok ulit sila sa mainstream dahil gaya ng kanta nila noon na 'Moving Closer,' hindi rin nila inasahan na bigla itong magbu-boom sa madla. Maganda rin naman daw ang nakukuha nilang guidance mula sa kanilang management at mentors kaya para sa kanila, may chance pa rin talaga. Mangyari man o hindi, patuloy pa rin silang gagawa ng kanta para sa kanilang fans.

Marami pang ibang nakakalurkei na tanong ang sinagot ng Never the Stranger sa nakaraang pagbisita nila sa Hangover PH kaya panoorin niyo na ang full video diyan sa taas, Kabisyo!

Para sa marami pang chika at nakakalurkei na balita, siguraduhin lang na lagi kang nakatutok sa Love Radio Manila!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...