Copyright ©2026 LOVE RADIO
Netizens, payabangan sa pag-flex ng mga jowa sa “Na Para Bang” trend ni Mariah Deborah
Netizens, payabangan sa pag-flex ng mga jowa sa “Na Para Bang” trend ni Mariah Deborah
October 10, 2026

Kung babad ka sa kaka-scroll sa TikTok at Reels ngayong mga nakalipas na linggo, imposibleng hindi mo pa naririnig ang boses ni Mariah Deborah habang nagta-transition ang isang lumang picture papunta sa bagong picture nila ngayon. Welcome sa "Na Para Bang" trend, ang pinakabagong dahilan kung bakit napapangiti at napapatitig ang lahat habang ang mga single naman ay napapatingin na lang sa kisame at napapatanong ng, "Lord, nasaan po ang akin?"

Ang pinakamabentang bersyon talaga rito ay 'yung mga couple na magkahawak-kamay nang tumanda, 'yung tipong nagsimula sa hingian ng papel hanggang sa napunta sa altar. Sa intro ng video, buong yabang nilang irarampa ang tinatawag na "totoy at neneng era"—may litratong shy type pa sila kunwari, tabingi ang bangs, pilit ang ngiti sa stolen shot, at mukhang magtropa lang talaga ang vibes, pero paglipat mo ng picture, biglang pasa is bog! Hashtag glow up ang mga lodi, kumintab ang balat, pormado ang mga damit, at halatang nabusog sa pagmamahal sa loob ng maraming taon. Dahil kabisado na nila ang bawat amoy, kulangot, at bahing ng isa’t isa, wala nang halong kaplastikan o pa-aesthetic lang. Mukhang hindi lang ang Sabado ang para sa kanila, kundi habangbuhay na! 'Yan ang sana all!

Nakakalurkei silang panoorin kasi naisip mo bigla na baka 'yung katabi mo sa jeep, o 'yung katabi mo sa school na palaging tulog ay sila pa 'yung destiny mo! Sa gitna ng napakaraming stress at ingay sa feed, totoong feel-good vibes at nakakawala ng pagod ang makakita ng mga taong naging saksi sa paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng isa't isa. Kaya kung may partner ka na matagal mo nang kasama, oras na siguro para maghalukay sa baul ng mga throwback picture nu'ng mukha pa kayong magkapatid na napag-iwanan sa mall at i-flex kung paano naging 'na para bang' kayo na talaga hanggang dulo. Para naman sa ating mga Kabisyo na single pa rin, mag-check na kayo ng mga lumang picture niyo riyan. Baka 'yung kasama niyo pala sa mga picture na 'yan ay ang makakasama niyo habangbuhay! Charot with harot!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...