advertisement
Sundan ang kuwento ni Ryan sa Raqi's SPG Secret Files with Titan Gelo.
Natural bang tumingin pa sa iba kung ikakasal ka na - Raqi's SPG Secret Files with Titan Gelo
Itago niyo na lang ako sa pangalang "Ryan" at ito ang aking SPG Secret File. Nagsimula ang lahat noong nag-propose ako sa jowa ko. Matagal-tagal na rin kami, mga eight and a half years na. Nagkakilala kami noong college dahil pareho kaming miyembro ng isang socio-civic organization. Sa madaling salita, mag-brad at sis kami. Niligawan ko siya nang mga apat na buwan bago naging official ang aming relasyon. Naging strong naman ang pagsasama namin kahit noong naka-graduate na kami ng kolehiyo. Patuloy pa rin kaming involved sa mga activity ng organization namin bilang alumni members.
Ngayong taon, um-attend kami ng isang pribadong initiation ceremony para sa pagpasok ng mga bagong miyembro. Naatasan kaming alumni members na mag-interrogate sa mga aplikante bago sila isailalim sa initiation rites. Maayos ko namang ginampanan ang role ko, pero may napansin ako sa fiancée ko. Kanina pa niya tinatanong 'yung isang babaeng aplikante at medyo natatagalan na siya rito habang nakapila para sa interrogation. Hindi ko alam kung ako lang ba ang may kutob, pero iba ang nararamdaman ko. Para kasing trip na trip ng fiancée ko 'yung babaeng aplikante.
