advertisement
Sundan ang kuwento ni Christina rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.
Natatakot akong sumayaw sa Christmas party namin - Raqi’s SPG Secret Files with Titan Gelo
Itago niyo na lang po ‘ko sa pangalang “Christina” at ito ang aking SPG Secret File. Mag-aanim na buwan pa lang ako sa kumpanya namin bilang isang sales assistant. Hindi pa ako regular, kaya pwede pa ring matanggal sa kumpanya namin ang mga probationary na katulad ko. Kami ang tumatayong alipin sa opisina namin. Halos lahat ng utos ng mga regular employee at lalo na ng mga boss, kailangan naming gawin at sundin dahil kung hindi, tiyak, tsugi kami sa kumpanya.
Tinatamad na rin kasi akong maghanap ng bagong trabaho kasi napaka-hassle magpaikot-ikot sa Maynila para lang um-attend ng interview at employment exam tapos ang ending, iba ang kukunin. Ayoko nang balikan ‘yung stage na ‘yun ng buhay ko at ito na nga, dahil hired na ako sa kumpanyang ito, kailangan kong gampanan ang role ko. Dahil malapit nang mag-Pasko, nag-schedule na ang HR namin ng Christmas party. Sa December 20 pa naman, pero last month pa, mga last week of November, in-inform na kaming mga probi na required kaming sumayaw.
